Horoscope | Disyembre 6, 2019 (Biyernes)
- Maestro Honorio Ong
- Dec 6, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 6, 2019 (Biyernes): Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran dahil dadalhin ka nito kung saan naroroon ang mga suwerte sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang hihinto dahil marami pang biyaya ang puwedeng mapasaiyo. Kung sakaling tumigil ka para magpahinga, muli kang kikilos nang sa gayun ay sumulong nang todo ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-20-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagkikislapan ang magagandang kapalaran sa iyong harapan. Huwag mong sayangin ang mga ito, sa halip, iyong kunin. Huwag mong balewalain ang mga ito dahil ito ay talagang para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-20-21-25-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling ibinabalik ng langit ang masusuwerteng araw mo dahil ang mga nag-aakalang sa kanila ang mga suwerte ay himalang mapupunta sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-24-28-35-43.
CANCER (June 21-July 22) – Huwag kang manghinayang sa mga mawawala sa iyo nang dahil sa kagustuhan mong mapasaya ang kapwa mo. Magugulat ka dahil higit pa sa mga ito ang ibabalik sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-26-30-32-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-utos ka at ikaw ay masusunod. Kung nagkataong may hindi sumunod sa iyo, mababawasan siya ng suwerte at maililipat sa iyo. Ito ang pasya ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-14-21-22-23.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapahiya ang naghahangad na malasin ka dahil ang mga suwerte ay paparating na sa buhay mo at hindi ito mapipigilan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-20-25-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magagandang kaganapan ang guguhit sa iyong kasaysayan. Maitatala sa iyong Aklat ng Buhay na aapaw ang kagalakan mo sa araw na ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-24-25-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sisingit sa iyo ang lungkot, pero bigla rin itong mapapalitan ng saya. Muling magtatangka ang mga naiinggit sa iyo na palungkutin ka, pero hindi papayag ang langit na mangyari ito. Ito ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-20-26-43-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy ang nakamamanghang takbo ng iyong kapalaran kung saan hindi mo na mabilang ang magagandang bagay na magaganap sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-13-14-20-22-24.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Totoong taglamig na, pero ang kapalaran mo ay parang apoy na nagbabaga sa mga suwerteng ayaw huminto sa pagdapo sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-20-27-34-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobrang makulay ang buhay mo. Marami ang masisilaw sa kislap ng iyong kapalaran. Malilito ang mga lihim mong kaaway nang dahil sa walang patid na pagdating ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-18-24-25-34
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malayo, magdaratingan ang mga suwerte mo at mula rin sa malapit, abot-kamay mo ang magagandang bagay. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-20-25-26-33.




Comments