top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hamlet vs. Gomper Girl

Ding Taboy
Dec 6, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Mahigpit ang laban na magaganap ngayong gabi sa karera ng kabayo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kasabay nito ng bibitiwan ang Winner-Take-All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at Trifecta, Quartet at Pentafecta na tatayaan ng Bayan Karerista.

Tatawirin ang mga kalahok sa distansiyang 1,400 meters sa Condition Race 2 Year Old Maiden Race at Condition Race Merged 10.

Sa Race 1, umpisa na ang WTA at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na paglalabanan ng Hamlet at Gomper Girl.

Magsisimula naman ang Race 2 at panimula ng Pick 6 kasabay ng Trifecta at Quartet na paglalabanan ng mga kalahok na Bullet Proof, Messi, Backdoor Cover at Mini Model.

Sa Race 3, ipinapatok ang couple entry na Speeding Hero at Golden Double habang magbabanta ang mga kalahok na Prettiets Star, Batang Dragon at Alonzo Hall sa 2 Year Old Maiden Race, kasabay ng Pick 5.

Sa Race 4, nakalalamang ang Genie Hello, Trust Worthy, Early Bird at pasimula ng Pick 4.

Sa Race 5, nakalalamang ang Kaka and Bachi, habang mananatiling banta ang Here I Am at isama sa tatayaan ang Trifecta at Quartet ang Electric Dream at Hayley Margarette.

Nakalalamang ang Double Rock at makakalaban ang Isa Pa Isa Pa, isama sa paratingan sa Trifecta ang All for Gee at Sail with Gee sa Race 6.

Ipinapatok ang Jebel Ali, samantalang isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Single Flower, ang couple entry na Musikera at Papa Loves Mambo, Steadfast of Love at Shining Star sa Race 7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page