top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dalagita, 2 days nawala.. 16-anyos pinatay, isinako, itinapon sa kanal

  • V. Reyes
  • Dec 6, 2019
  • 1 min read

Photo: YzhGaming

Wala nang buhay nang matagpuan ang 16-anyos na babae na nakasilid sa sako at itinapon sa irrigation canal sa Purok Silang, Bgy. Punong Grande Banga, South Cotabato.

Nabatid mula kay South Cotabato Police Director Colonel Jemuel Siason, una nang napaulat na nawawala noong Lunes ang dalagita na itinago sa pangalang Maureen, Grade 10 sa Notre Dame of Banga, matapos hindi umuwi. Nakasuot pa ng uniporme ang biktima nang makita ang katawan nito sa irrigation canal.

Nakatali rin ang dalawang kamay ng biktima nang marekober ng awtoridad.

Nakatakdang isailalim sa post-mortem examination ang biktima habang patuloy na ring sinisiyasat ang motibo ng pagpatay sa dalagita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page