Ang masarap na sikreto ng tagumpay ng 10 resto ni Ka Tunying
- Janice Navida
- Dec 6, 2019
- 2 min read

Janice Navida / Celebrity BTS

Mula sa pagiging news anchor-TV commentator sa Umagang Kay Ganda, walang dudang certified restaurateur na rin ngayon si Mr. Anthony Taberna dahil sa loob lang ng 4 years, aba, may 10 branches na ang kanyang Ka Tunying’s Resto.
Nagsimula ang Ka Tunying sa pagiging maliit na bakery sa Nueva Ecija, pero ang unang branch ay itinayo ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna sa Visayas Avenue sa Quezon City.
Sa aming panayam kay Ka Tunying na mapapanood sa Celebrity BTS sa loob ng apat na Sabado ngayong Disyembre sa social media account ng BULGAR, ang sarap ng naging kuwentuhan namin tungkol sa kung paano niya sinimulan ang kanyang negosyo, ang mga naging pagsubok na pinagdaanan niya sa pagsisimula ng Ka Tunying, ang mga naging balakid sa kanyang tagumpay, hanggang sa kung paano unti-unting tinanggap ng publiko ang Ka Tunying na ngayon ay isa na nga ring maituturing na restaurant at hindi lang basta bakery o coffee shop.

May mga tips ding ibinigay si Anthony a.k.a. Ka Tunying para sa mga tulad niyang nagsisimula pa lang sa pagtatayo ng negosyo at kung paano ima-manage at hahawakan nang tama ang kinikita.
Nakakatuwa ring ‘napiga’ at napaamin namin si Ka Tunying tungkol sa kanyang personal na buhay, kung sino ang kanyang celebrity crush, hinahangaan sa showbiz at may rebelasyon pa siya tungkol sa isang celebrity na nu’ng tinext daw niya para mai-guest sa kanyang show at hingan ng tulong para sa isang fan na umiidolo rito, aba, dedma raw ang naturang celebrity! O, ‘di ba? Sinetch itey?!!!

Mapalad din kaming nakapanayam ang artistahing misis ni Ka Tunying na si Ms. Rossel at may mga kuwento ito tungkol sa personal nilang buhay ni Anthony at kung anong klaseng ama at asawa ang magaling na news anchor-TV host.
Last month, ini-launch na rin ang bagong branding ng Ka Tunying na ginanap sa Activity Center ng The Block at dinaluhan ng mga kaibigan ng mag-asawa.

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Celebrity BTS hosted by yours truly na napapanood tuwing Sabado, 8 PM sa bulgaronline.com, Bulgar FB page at Bulgar TV sa You Tube.





Comments