100 lolo’t lola pinayagang magtrabaho sa NAIA

Umabot na sa 100 senior citizens ang pinayagang makapagtrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng special job program ng Ang Probinsiyano Partylist katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Batay sa ulat, lumagda na rin sa kasunduan sina Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal at Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang inisiyatibong ito ni Rep. Ronnie Ong ay makatutulong sa mga nakatatandang gusto pang magtrabaho.
Samantala, umaasa ang kalihim na maisasakatuparan ang programa sa buong bansa.
Naunang inilunsad ang programang ito sa PUP na sinundan sa UP-Diliman, Philippine Children’s Medical Center, NBI at Central Visayas.





Comments