Mga bawal na paputok, nasabat
- Mylene Alfonso
- Dec 5, 2019
- 1 min read

Nasamsam ng mga elemento ng Task Force Malasakit ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang apat na kahon ng iba’t ibang uri ng paputok, kahapon ng umaga sa Divisoria, Binondo, Manila.
Ayon kay ret. Pol. Capt. Ernesto Manaois, kinumpiska nila ang mga bawal na paputok na iniba lang ang pangalan at packaging.
Kabilang sa mga nakuhang paputok ay ang Pacquiao pero, piccolo pala at mayroon din ang packaging na pambata pero, mga watusi ang nasa loob.
Bandang alas-6:00 ng umaga nang salakayin ang naturang lugar matapos makatanggap ng impormasyon na may itinatagong paputok.
Nabatid na apat na indibidwal ang naaresto na ibinibiyahe patungo sa Dagupan PCP.
Walang kaukulang permit at wala talagang puwesto pero, nakakalusot at nakakapagtinda sa tapat ng Divisoria Mall sa MD Santos Street.
Isinasailalim pa sa imbentaryo ang mga nasamsam na paputok at aalamin pa kung ano ang gagawin sa mga ito.
Samantala, umikot din kahapon ng umaga sa Quinta Market ang Task Force Malasakit para magsagawa ng inspeksiyon sa mga timbangan para matiyak kung tama ang sukat ng mga timbangan.




Comments