Gandang-ganda sa Kapuso actress… Sanya, kinulit-kulit ni Panelo nang magkita sa event

Sa ginanap na awarding ng nanalong Noble Queen of the Universe, kung saan nagwagi si Patricia Javier at humakot pa ng mga special awards, binigyan din ng special recognition sina Ara Mina, Gladys Reyes, FDCP Chairwoman Liza Diño, Pokwang at Sanya Lopez bilang mga awardees sa Celebrity Women Empowerment.
Dito nakilala ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang sexy Kapuso actress na si Sanya Lopez. Ilang ulit nitong kinausap at kinumbinsi si Sanya na sumali sa Bb. Pilipinas beauty pageant dahil sa taglay niyang ganda at karisma. But it seems, hindi prayoridad ni Sanya ang pagiging beauty queen. Pag-aartista ang gusto niya.





Comments