top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

DepEd, DoH at DSWD, natutulog sa pansitan — Marcos

Lourdes Abenales
Dec 5, 2019
1 min read

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa DepEd, DoH at DSWD na umarangkada na sa kanilang mga programa sa edukasyon at nutrisyon.

“Gising na, DepEd, DoH, DSWD! Naabutan na kayong tulog sa pansitan!” ani Marcos.

Sinabi pa ng mambabatas na mukhang hinuhulaan lamang ng DepEd kung ano ang mga pinakaepektibong programa para sa mga mag-aaral dahil kulang na kulang ang ahensiya sa datos tungkol sa pag-enroll hanggang sa pag-graduate ng mga estudyante.

“’Di man lang mapangalanan ng DepEd ang mga programa nito sa literacy o karunungan sa pagsulat at pagbasa, noong may hearing pa ang Senado tungkol sa badyet ng ahensiya para sa 2020,” ani Marcos.

Sinabi pa ng senadora na ang kakulangan ng mga guro sa K-12 at pag-apaw ng mga estudyante sa mga silid-aralan ay dagdag problema na dapat pag-isipan ng DepEd upang mas maengganyo ang mga may balak maging guro.

Dagdag pa ni Marcos na 30 porsiyento ng utak ng isang bata ay hindi nade-develop kung kulang sa nutrisyon mula sa ipinagbubuntis pa lang ito hanggang ika-5 taong gulang, base na rin sa pag-aral ng Food and Nutrition Research Institute.

Para mabawasan ang mga kaso ng mga batang hindi lumalaki at mabagal ang development ng utak, naghain si Marcos ng isang panukala na repasuhin ang lahat ng mga child-feeding programs ng DoH at DSWD, upang mapatunayan ang pagka-epektibo ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page