Bagsak sa Reading, Math at Science.. Pinoy students, kulelat sa 79 na bansa
- Madel Moratillo
- Dec 5, 2019
- 1 min read

Tanggap umano ng Department of Education (DepEd) ang resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan nakakuha ng pinakamababang rating sa reading comprehension ang Pilipinas mula sa 79 na bansang kumuha nito.
Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Annalyn Sevilla, ito ang unang pagkakataon na sumali ang bansa sa PISA. Nais kasi aniya nilang malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa bansa.
Kung pagbabatayan din aniya ang performance ng mga mag-aaral sa National Achievement Test (NAT) sa bansa, inaasahan na nilang mababa ang makukuhang grado ng mga ito sa PISA.
Batay sa 2018 PISA results, ang mga mag-aaral na Pinoy, na nagkakaedad ng 15 ay nakakuha lamang ng 340 points sa reading comprehension exam na sobrang baba kumpara sa Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) average na 487 points.
Nangulelat din ang Pilipinas sa Mathematics at Science, na pumangalawa sa nakakuha ng pinakamababang ranggo. At ngayong alam na aniya nila ito ay makakagawa na sila ng mga hakbang upang matugunan ang problema.
Umaasa naman si Sevilla na makatutulong ang PISA results sa policy formulation, planning at programming ng departamento.
Nabatid na kabuuang 7,233 Filipino students mula sa 188 public at private schools sa buong bansa ang kumuha ng OECD-administered exam noong 2018.




A masterpapers review entitled "master papers Review 2023" is a brilliant idea. Excellent credibility and widespread support are promising signs. Knowing that a service has dedicated users who can point you in the right direction is reassuring.