Final answer — P-Digong.. Bgy. at SK Elections sa December 2022

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 2020.
Dahil dito, idaraos na ang susunod na Bgy. at SK Elections sa December 2022.
Ginawa ng Pangulo ang paglagda sa Republic Act No. 1146 sa harap ng mga mambabatas at miyembro ng gabinete sa isang ceremonial signing sa Palasyo.
Nabatid na huling nagdaos ng Bgy. at SK Elections noong May 2018.
Batay sa bagong batas, matapos ang Bgy. at SK Elections sa December 2022, itatakda ang susunod na halalan sa unang Lunes ng December 2025, kada tatlong taon.
Matatandaang, ito na ang ikatlong pagkakataon na naudlot ang Bgy. at SK Elections sa kasalukuyang administrasyon.





Comments