‘Pinas, may ‘K’ daw sa mas malaking event.. Olympic Council of Asia, bumilib sa 30th SEA Games

Bumubuhos ang papuri at suporta sa hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games 2019 ng ating bansa.
Dumagdag na humanga sa galing ng bansa at ng gobyerno si Olympic Council of Asia (OCA) Vice-President Wei Jizhong.
Ang mataas na opisyal ng OCA ay nagbigay-papuri sa Pilipinas sa maayos na pag-organisa ng 30th SEA Games.
Ayon kay Wei Jizhong, naniniwala siya na kayang-kaya ng Pilipinas na magsagawa pa ng mas malaking sporting event matapos makita nang personal ang maayos at sistematikong pag-organisa ng SEA Games.
Dagdag pa ni Wei sa isinagawang press conference nitong Lunes, ang slogan na “We Win As One,” hanggang sa fan engagement at sa matapat na pag-amin sa responsibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naunang aberya ay mahalagang bagay upang maging maayos ang pag-organisa sa SEA Games.
Matatandaang, humingi ng dispensa si Pangulong Duterte pati na rin si House Speaker Alan Peter Cayetano, pinuno ng organizing committee, sa pagkakamali na naganap at nangako na aayusin ito.
Hindi umano sila nabigo na mapahanga ang buong bansa at ang buong mundo sa makapanindig-balahibo na opening ceremony ng SEA Games 2019.





Comments