top of page

Tradisyon na ng mga Pinoy... 5 putaheng hindi nawawala sa noche buena

  • Twincle Esquierdo
  • Dec 3, 2019
  • 2 min read

Bukod sa pagbibigayan at pagbubukas ng mga regalo tuwing Pasko ay may mga pagkain pa ring patok at hindi nawawala sa salu-salo, lalo kung Noche Buena.

Ang ilan sa mga ito ay makatutulong sa inyong kalusugan at ang iba naman ay hindi lubusang nakasasama kung tamang balanse ng pagkain ang inyong gagawin. Anu-ano ang mga putahe na kadalasang inihahain sa okasong ito?

1. HAMON. May iba’t ibang klase ng hamon, pero ang karaniwang inihahanda ay ang hamon na gawa sa baboy at iniimbak nang tatlo hanggang anim na buwan.

Siguradong meron ka nito dahil ipinamimigay ito tuwing Christmas Party sa work place. Samantala, may mga hamon na gawa sa karne ng kuneho na mula sa Balagtas, Bulacan at hamon na gawa sa karne ng itik sa Victoria, Laguna.

2. INIHAW NA MANOK. May ilang mga nagbebenta ng manok na nagbibigay ng gift certificate tuwing Pasko. Binibigyan nila nito ang kanilang mga regular customers bilang regalo ngayong Pasko at minsan naman ay may raffle at promo sila. Saka, sino ba ang hindi naghahanda ng karne tuwing Pasko? He-he-he!

3. PANSIT. Sabi ng mga nakatatanda, ang pan-sit ay pampahaba ng buhay. Bakit nga ba? Dahil ito ay maraming sangkap na gulay na makatutulong para mapanatiling maganda ang inyong kalusugan. Gayundin, mahabang buhay naman ang sinisimbolo ng noodles nito.

4. LECHON. Isa sa mga hindi nawawala ang lechon na isa sa mga inaabangan ng lahat dahil patok ito sa panlasang Pinoy. Hindi lang ‘yan, dahil puwede rin itong maging pulutan sa inuman at sa ibang putahe kapag hindi naubos tulad ng lechon paksiw. Pero mga besh, hinay-hinay lang sa pagkain nito dahil ‘pag sumobra ay alam n’yo na!

5. FRUIT SALAD. Ito ang unang ginagawa, pero huling kinakain. Agree? ‘Ika nga nila, kahit gaano karami ang nakain mo ay hindi nawawalan ng espasyo ang dessert sa ating tiyan. Ha-ha-ha! Hindi man lahat ay fan ng fruit salad, may iba pang option para rito.

Ilan lamang ito sa mga putahe na hindi nawawala sa salu-salo tuwing Kapaskuhan kaya kung anuman ang trip n’yong kainin, go lang!

Huwag kalimutang maghinay-hinay sa pagkain nito para walang masamang epekto sa inyong kalusugan. Always stay healthy, mga beshy. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page