SPIA Asia Conference, pormal nang binuksan

Bilang pagkilala at pagdiriwang sa Asia’s Top 10 sa may 24 nakalaang awards categories kabilang na ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman category, igagawad ang gold, silver at bronze sa mga best performers sa itinuturing na Asia’s leading sports business conference and awards platform, ang SPIA Asia - Asia’s Sports Industry Awards & Conference.
Kasabay itong inorganisa ng MMC Sportz, SPIA Asia 2019 na nagsimula kahapon hanggang ngayong Dis. 3 sa Grand Hyatt Manila kasabay ng 30th SEA Games celebration achievements sporting industry sa Asya.
Inihatid ng SPIA Asia two-day sports business conference ang mga ideyang maibabahagi ng mga top regional opinion leaders mula sa sports federations, rights holders, agencies, organizers, brands at government agencies.
May halos 60 international speakers at 600 delegates ang inaasahang lalahok para sa iba’t ibang networking events, workshops, panel discussions at keynote addresses batay sa sumusunod na conference pillars: ang business ng football sa Asya, business ng Sports, Modernong Sports Technology, Sports at Tourism at Integridad.
Ang SPIA Asia Awards na rin ang pinaka-pinagkakatiwalaang platform sa Asya na kumikilala sa pagdiriwang ng mga naabot ng industriya ng palakasan sa Asya.
Itinampok ng SPIA Asia 2019 ang kabuuang 25 award categories: 3x Public voting categories, 4x Philippines categories at 15x Asian categories.
Sa unang pagkakataon, idaraos ng SPIA Asia ang “Best Asian Sportsman of the Year”, “Best Asian Sportswoman of the Year” at ang “Best Asian Sports Team of the Year” upang makadagdag sa tingkad at excitement sa event.
Ang mga nakaraang nagwagi ay ang Australian Grand Prix, NBA, LaLiga, HSBC, WTA, World Badminton, Visit Victoria, Arabian Gulf League sa UAE at Standard Chartered KL Marathon.





Comments