top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Payo sa mga na-ghosting, Bea… Hirit ni Yorme Isko: Maraming lalaki, maghanap ka agad!

  • Ronalyn Seminiano
  • Dec 3, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakakaloka ang naging guesting ni Manila Mayor Isko Moreno sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice.

Sabi ni Vice, may mga nagpadala raw sa kanila ng sulat na taga-Maynila at tinawag nila ang segment na ‘yun ng GGV na Idulog Mo Kay Yorme!.

Ang unang sumulat ay tila we all know who dahil sabi nito, “Yorme, masamang-masama po ang loob ko. Iniwan ako ng BF ko. Ang sabi niya, matagal na raw kaming wala. Kelan naman nangyari ‘yun? Kasi ang alam ko, he just started not talking to me. Bakit parang kasalanan ko, Yorme? Na-‘ghost’ po ako. Ano po’ng gagawin ko?”

Sabi ni Vice, hindi na raw inilagay ang name ng sender pero for sure naman ay pamilyar sa inyo ang mga linyahang ‘yan, ‘di ba, Gerald Anderson? Hahaha!

Tawa nang tawa si Mayor Isko pero nagbigay siya ng advice sa anonymous sender, maging sa mga tao na nakaranas din ng same situation ng bigla na lang iniwan ng lalaki.

Aniya, “There’s so many fish in the ocean, ‘di ba? Mamingwit ka kaagad. Hindi kawalan sa ‘yo ‘yun. Kailangang maintindihan mo ‘yun na wala… wala naman talagang permanente sa mundo but you have to move on fast. Don’t waste your time with those kind of people. It’s not worth it.” Oh, kuha mo, Bea Alonzo?

Pero mas interesting ang second sender. Tinanong ng sender kung ano ang gagawin ni Mayor Isko kung sa harap niya nag-away-away sina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto, at kung papaano raw niya pagbabatiin ang magkakapatid.

Sabi ni Vice, “Ayusin n’yo raw po ‘yung sagot n’yo kasi muntik n’yo na raw din pong maging ano ito… in-law… si Gretchen at si Marjorie. At naging mag-jowa ba talaga kayo ni Claudine noon?”

Lalong natawa si Mayor Isko at parang may halong kilig pa!

Inulit ni Vice ang tanong kung naging jowa ba talaga ni Yorme si Claudine noon. Sabi ni Mayor Isko, “With due respect to Ms. Claudine Barretto, hindi naman. We were partners, ‘noh, in movies and we belong to one film outfit which is Seiko Films.”

Follow-up question ni Vice, “‘Di mo niligawan si Claudine?” na mabilis sinagot ni Mayor Isko na hindi naman daw.

At tanong ulit ni Vice, “Hindi mo siya na-bet-an?”

Sabi ni Yorme, “Hindi, eh. Nagbigay ako ng bulaklak kasi tinanong… sinabihan ako ni Boss Robbie, ‘Bigyan mo ng bulaklak para may konting…’”

Hindi rin daw niya inawrahan si Claudine at inamin din ni Mayor Isko na na-insecure siya dahil maayos ang buhay ng mga Barretto.

Pero, ibinulgar din ni Mayor Isko na nakaiskor naman daw siya kay Claudine dahil may holding hands scenes sila sa romantic movie nilang Muntik Na Kitang Minahal. But sad to say, walang kissing scenes.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page