Pati coach, instructor o trainer.. Awtomatikong Civil Service Eligibility sa mga atleta

Photo: pcoo.gov.ph (right)
Isinusulong na kilalanin na rin bilang sports professionals ang mga atletang Pilipino, gayundin ang mga nagsasanay sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng Civil Service Eligibility.
Ayon kay Iligan Rep. Frederick Siao, chairman ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation, makatwiran na mabigyan ng lisensiya bilang full-pledged professionals ang mga kumakarir sa sports.
Buong panahon aniya ang ibinubuhos ng mga atleta, coach, instructor o trainer para manatiling palaban sa mga kompetisyong pampalakasan.
Binanggit pa ng kongresista na sa ilalim ng International Labor Office- International Standard of Classification of Occupations, kinikilala ang sports professionals at associates.
Ipinunto ni Siao na kung maituturing na professional job ang pagiging atleta at ang pagsasanay sa sports, magagarantiya ang tamang kompensasyon, benepisyo, katatagan ng career at pagreretiro.





Comments