top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hatol sa Maguindanao massacre, Ilalabas sa Dec. 19

  • Madel Moratillo
  • Dec 3, 2019
  • 1 min read

Itinakda na ng Quezon City Regional Trial Court ang petsa ng promulgasyon kaugnay ng kaso ng Maguindanao massacre.

Batay sa desisyon ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, ang pagbaba ng hatol sa mga akusado sa masaker sa Maguindanao ay gagawin sa Disyembre 19, ganap na 9:00 ng umaga sa QC RTC-Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Matatandaang, naganap ang Maguindanao massacre noong November 23, 2009.

Nito lamang Nobyembre ay ginunita ang ika-10 taon ng karumal-dumal na krimen na ikinamatay ng 58 katao, kabilang na ang 32 mamamahayag.

Ikinatuwa naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang anunsiyo ng QC RTC.

Sa wakas aniya ay dumating na rin ang pìnakahihintay ng lahat matapos makapagprisinta ang prosekusyon ng halos 200 testigo sa kaso at mahigit 100 naman sa panig ng depensa sa nakalipas na halos sampung taong pagdinig sa kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page