Bebot tumalon mula 17th flr. ng condo, dedo
- Mylene Alfonso
- Dec 3, 2019
- 1 min read

Iniimbestigahan ang umano’y pagtalon ng 21-anyos na Chinese national na computer programmer mula sa ika-17 palapag ng tinutuluyang condominium, kamakalawa sa Malate, Manila.
Inaalam ni PMSG. Joseph Kabigting, kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ni Song Yongxing, tubong-Guandong, China at nanunuluyan sa isang condo sa Taft Avenue. Alas-3:15 ng hapon nang mangyari ang insidente kung saan sa mismong terrace ng kanyang unit naganap ang umano’y pagtalon ng biktima na bumulusok sa ibaba ng condo.
Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang mga kasama ng biktima sa unit nang maganap ang insidente.
Aalamin din kung itinulak o sadyang tumalon ang biktima sa terrace at aalamin din kung ano ang nagtulak sa biktima upang gawin ang pagtalon.





Comments