‘Wag puro shopping, besh, dito panalo ka! 5 sulit at kapaki-pakinabang na bagay na puwedeng paglalaa
- Jersy Sanchez
- Dec 3, 2019
- 2 min read

Kung may mga beshy tayong nagsisimula nang magwaldas ng kanilang 13th month pay at bonus kaya palaging nasa mall o pamilihan, siguradong may ilan pa r’yan ang hindi pa alam kung paano ito gagastusin dahil first time nilang makatanggap o nadala na sila nu’ng nakaraang taon. He-he-he!
Gayunman, para sa mga nag-aalinlangan pang gumastos dahil wala pang ideya kung ano ang mga bibilhin, narito ang ilang bagay na puwede n’yong pag-laanan ng inyong hard-earned money:
1. MAGBAYAD NG UTANG. Bago magwaldas, make sure na bayad ang lahat ng utang mo. Hindi ‘yung mga car loan, cellphone o house loan, ha? Ito ‘yung mga utang na dapat ay matagal mo nang bayad, gayundin, hindi ba, mas magandang salubungin ang susunod na taon nang walang utang? He-he-he!
2. EMERGENCY FUND. Kapag naka-settle na ang iyong utang, it’s time para maglaan ng pera para sa emergency fund. Hindi natin masasabi kung kailan mangyayari ang aksidente o kailan tayo magkakasakit kaya kahit meron tayong health insurance, mahalagang magkaroon nito dahil hindi lahat ng uri ng sitwasyon ay pasok sa insurance.
3. MAG-INVEST SA GAMIT. Kung perfect timing ito para mag-shopping, make sure na ang bibilhin mong mga gamit ay mapakikinabangan mo nang matagal kahit medyo mahal ang presyo.
Huwag kayong manghinayang na bumili ng mamahalin, lalo na kung maganda ang kalidad nito at sulit. Kesa naman bumili ka ng mumurahin, pero ang ending ay mapapagastos ka dahil sirain at hindi maganda ang kalidad, ‘di ba?
4. REGALO SA PAMILYA. Dahil it’s time para magbigayan, huwag kalimutan sina mama, papa, ate, kuya at bunso. Mga besh, kung hindi naman pasok sa budget ninyo ang mga bagay na gustung-gusto nila, maghanap ka ng ibang option na mas mura at magagamit din nila.
Tip lang, mga beshies sa pagbibigay ng regalo, ikonsidera mo kung magagamit pa rin nila ito para sure na magugustuhan nila. Okie?
5. LIFE INSURANCE. Very tito o tita man ito, why not, ‘di ba? Isa ito sa mga pinakamagandang paglaanan ng 13th month pay dahil tiyak na mapakikinabangan mo ito pagdating ng panahon.
Marahil, hindi pa nakikita ng iba ang kahalagahan nito, pero siguradong mag-a-avail kayo kapag nalaman n’yo ang mga ino-offer nito.
Alam na, mga beshies! Huwag sayangin ang inyong 13th month pay at bonus sa mga bagay na walang kabuluhan, bagkus, ilaan ito sa mga bagay na mapakikinabangan pagdating ng panahon.
Spend your money wisely, beshy.
Copy?





Comments