Plunder vs. GMA, ibinasura
- Jeff Tumbado
- Dec 2, 2019
- 1 min read

Ibinasura ng Ombudsman ang reklamong plunder laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at sa iba pang opisyal ng PCSO.
Ito ay sa kawalan umano ng kongkretong ebidensiya sa maanomalyang paglustay sa Confidential and Intelligence Fund.
Ito ang huling plunder complaint ng dating pangulo na naibasura ng Ombudsman. Ang resolusyon ay nilagdaan ni Lucielo Ramirez, Jr., Graft Investigation and Prosecution Officer III, na inaprubahan naman ni Ombudsman Samuel Martires. Nabatid na ang reklamo ay inihain noong 2016 na pinangunahan ng Field Investigation Office na nasa ilalim noon ni dating Ombudsman Conchita Morales na sa kaparehong panahon ay ‘acquitted’ din si Arroyo ng SC. Nakasaad pa sa resolusyon na ipinawalambisa ng Ombudsman ang reklamo kay GMA sa parehong kaso nito sa PCSO CIFs mula noong 2008-2010.





Comments