top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Miyembro ng gunrunning syndicate, timbog

  • Maeng Santos
  • Dec 2, 2019
  • 1 min read

Isa sa dalawang hinihinalang miyembro ng gunrunning syndicate ang arestado ng pinagsamang mga tauhan ng Northern Police District at Manila Police District Station 7 sa buy-bust operation of unlicensed firearms sa Tondo, Manila.

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Benedick Anglo, 33, habang pinaghahanap pa ang kasabwat nitong si Dennis Talamente.

Ayon kay Gen. Ylagan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa illegal activities ng mga suspek na naging dahilan upang ikasang mga operatiba ng District Special Operation Unit sa pangunguna ni P/Lt. Col. Giovannie Hyacenth Caliao, sa koordinasyon sa MPD Station 7 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Annie Langcay ang buy-bust operation kontra sa mga suspek alas-8:45 ng umaga sa Torres Bugallion St. Tondo. Nang tanggapin ng mga suspek ang 14 piraso ng P1,000 boodle money atisang P1,000 tunay na pera na bayad sa isang caliber .45 pistol ay agad dinamba si Anglo habang nagawang makapuslit ni Talamente.

Sa paghalughog ng mga operatiba, nadiskubre ang fragmentation grenade, cal. 32 pistol, cal. 22 Black Widow revolver at sarisaring gun spareparts, magazines at mga bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page