Mga aktibidad ng bulkang Taal, binabantayan

Mahigpit nang binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga aktibidad ng Taal Volcano makaraang makaranas ng mga pagyanig na may malalakas na tunog sa ilang lugar sa Batangas.
Sa abisong ipinalabas ng PHIVOLCS, mula nang itaas ang Alert Leval 1 noong Marso, umabot na sa 4,857 volcanic earthquakes ang naitala.
Ang naturang mga pagyanig umano ay nararamdaman mula Intensity I hanggang III sa ilang mga lugar kabilang ang Bgy. Banyaga sa Agoncillo; Bgy. Calauit sa Balete; Sitio Tibag sa Bgy. Pira-Piraso; Sitio Tuuran sa Bgy. Tabla; Bgy. Buco sa Talisay; Bgy. Alas-as sa San Nicolas at Bgy. Pulangbato sa San Nicolas.
Ayon pa sa PHIVOLCS, maliban sa nararamdamang pagyanig, kasabay nito ang mga malalakas na tunog.
Naobserbahan din ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide bagama’t, wala pang pagbabago sa temperatura ng tubig at acidity ng main crater nito.
Ipinaalala ng PHIVOLCS na ang buong volcano island ay isang Permanent Danger Zone (PDZ) at hindi inirerekomenda ang paninirahan sa paligid nito.





Comments