Kelot, dinedbol ng kapitbahay
Aklan—Patay ang isang lalaki nang barilin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Cayangwan, Makato.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng shrapnel sa katawan ay nakilalang si Johnny Taglay, samantalang ang suspek ay si Rodel Tambong, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Taglay at Tambong dahilan para barilin ng shotgun ng suspek ang biktima.
Nabatid na nagtangka pang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril, pero nadakip din siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Nakapiit na si Tambong na nahaharap sa kasong murder.





Comments