top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Casimero , WBO true champ tete, pinasuko sa round 3

  • Gerard Arce
  • Dec 2, 2019
  • 1 min read

Pinatunayan ni Johnriel ‘Quadro Alas’ Casimero na siya ang tunay na kampeon sa kanilang dalawa ni Zolani Tete’ ng South Africa ng pasukuin niya ito sa 3rd round para kunin ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight regular title upang maging three division World champion, Sabado ng gabi sa Arena Birmingham sa United Kingdom.

Dinomina ng husto ng 29-anyos na tubong-Ormoc City ang dating kampeon matapos ipadama nito ang malulutong nasuntok na nagpasadsad rito ng dalawang beses sa third round hanggang sa tuluyang mapuwersang ipatigil ni referee Steve Gray ang laban sa 2:14 ng nasabing yugto.

Kasunod nito ay walang atubiling hinamon nito si unified WBA, IBF at The Ring 115-lb champion na si Naoya Inoue na naunang talunin si Nonito

“The Filipino Flash” Donaire para sa World Boxing Series, Muhammad Ali trophy.

“For next, we want Inoue,” sambit ni Casimero na puntirya na niyang sunod na makalaban na sinasabing isa sa mga bigating pound-for-pound at bagong miyembro ng Top Rank ni Bob Arum sa kanilang dibisyon. “My man Inoue. Monster, come to me and fight!”

Bago magsimula ang laro ay paboritong magwawagi ang 5’9" na 31-anyos na South African boxer dahil sa bitbit nitong 12-game winning streak at kalamangang 5 inches laban kay Casimero, habang hawak naman ni Casimero ang ikalimang sunod na panalo.

Ninais na gamitin ng dating 108 at 112-pound titlist ang kanyang kalamangan sa tangkad at reach sa unang round ng magbitaw ito ng mga jabs na hindi man tumatama kay Casimero ay nagawang pabagalin ang takbo ng laban nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page