Bromance pa kuno abroad.. Daniel, kumanta kung bakit 'di sila close ni James
- Julie Bonifacio
- Dec 2, 2019
- 2 min read

Sunud-sunod ang marriage proposals sa showbiz ngayon. At isa sa mga inaabangan ay ang pagpo-propose ni Daniel Padilla sa reel-and-real life partner niyang si Kathryn Bernardo.
“Masyado pa’ng maaga,” sabi ni Daniel sa amin. Dagdag pa niya, “Jusko. Kung ngayon, eh, bilyonaryo na ako’t ano, bukas na bukas magpapakasal na tayo.”
Nang matanong ang aktor kung wala pa ba siyang balak, aniya, “Hindi….hindi. Marami pa’ng kailangang trabahuhin. Marami pa’ng kailangang itaguyod, kaya ru’n muna tayo.”
Trabaho raw muna ang pokus ni Daniel. This year, walang masyadong project ang aktor kumpara sa mga ginawa ni Kathryn, so, we asked him kung kailan ang next project niya.
“Soon, very soon,” paniniyak ni Daniel. “Magsu-shoot na kami sa January,” dagdag pa niya.
Teleserye raw ang una niyang gagawin. Then, may gagawin siyang pelikula. Inamin ni Daniel na na-miss niya ang pagtatrabaho.
“Yes, siyempre na-miss natin ang magtrabaho. Pero masaya rin ako, nakapag-relax ako at nabigyan ko ng oras ang sarili ko, pamilya ko, mga kaibigan ko. At, na-enjoy ko ang buhay ko kaya very fresh ako ngayon. Gusto kong magtrabaho naman,” sey niya.
Wala pa raw title ang gagawin niyang serye at wala pa ring direktor.
“Uh, hindi pa kami nakakapag-official pitching ng kuwento, eh. Pero kailangan nang mag-shoot sa January or February.”
Pero bago raw niya gawin ang teleserye at pelikula sa 2020, magkaka-movie raw muna siya with Charo Santos na idinirek ni Carlo Manatad.
“Title? Huwag muna. Baka hindi pa puwedeng sabihin. Hindi siya under Star Cinema. Medyo indie, basta isa siyang film. Ayaw ko nang sabihin kung anong klase ng movie.”
Anyway, nag-viral ang pagpunta niya sa isang bar sa Rome kasama si James Reid. Marami ang natuwa sa “harutan” nila ni James especially nu’ng pinasasayaw si Daniel ng iba pa nilang kasama that night.
May nag-comment naman na netizen ng “bromance” sa nag-viral na picture nina Daniel at James sa socmed.
“Bromance? Bromance agad,” ngiti ni Daniel.
Ang kyut kaya nina Daniel at James sa mga lumabas na pictures and videos. Wish ng iba, hanggang sa ‘Pinas ay mag-bonding din ng ganu’n ang dalawang Kapamilya stars.
“Puwede naman kaya lang may kani-kanya kaming schedule, eh. May work kami pareho. Unlike ‘pag nag-a-out-of-the-country, siyempre, kayu-kayo lang ang nandu’n, magkakasama. Kaya nagkakaroon ng chance na, gaya nu’n,” esplika ni Daniel.
We asked him again kung posible ba na magkaroon sila ng collaboration ni James either sa music or sa movie.
“Tingnan natin,” sabi ni Daniel.
“Kung meron at maganda ang project, mapapag-usapan naman ‘yan.
Wow! Bongga ‘yan ‘pag natuloy.





Comments