Aysus, Maria! Award-winning actress, super-bilib sa feng shui, bawat gawing desisyon sa career at lo
- Erlinda Rapadas T.
- Dec 2, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Hindi lang si Kris Aquino ang celebrity na mahilig sa feng shui at sa pagpapakonsulta sa mga psychics at manghuhula. May kakilala kaming award-winning actress na halos lahat ng aspeto sa buhay niya ay idinadaan sa guidance at payo ng paborito niyang manghuhula. Pati na ang kanyang love life, ikinokonsulta niya sa kaibigang psychic.
Kapag may problema siya sa pag-ibig, tiyak na magpapatulong at paoorasyunan niya ang kanyang karelasyon. At kapag may offer sa kanyang projects o pelikula, pinapa-vibes muna niya ‘yun sa psychic.
Halos lahat na lang ng kanyang gagawing desisyon, sa career man o pag-ibig, ay may advice mula sa kanyang trusted psychic/confidant. Kaya lang, dahil sa sunud-sunod na malalaking trahedya at pagsubok na dumating sa kanyang buhay, nagkawindang-windang siya at pati love life ng award-winning actress. Natuto pa siyang bumarkada sa mga taong bad influence (BI) sa kanya.
It’s good na nauntog at nagising na sa katotohanan ang aktres bago pa mahuli ang lahat at muling nakabawi sa kanyang career.





Comments