3 buwang hindi pagba-bayad sa Homeowner's Association, member, delingkuwente na
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung kailan maituturing na delinquent ang miyembro ng Homeowner’s Association? — Jaye
Dear Jaye, Para sa inyong kaalaman, ayon sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 9904 o “The Magna Carta for Homeowners and Homeowner’s Associations”:
“Section 13. Delinquent Member. – Unless otherwise provided in the by-laws, a member who has failed to pay three (3) cumulative monthly dues or membership fees, or other charges/assessment despite demands by the association, or has repeatedly violated the association’s by-laws and/or declared policies, may be declared delinquent by the Board of Directors in accordance with the procedure in the succeeding section.” (Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nasabing IRR, maituturing na delinquent ang miyembro ng Homeowner’s Association kung siya ay hindi nakapagbayad ng tatlong (3) cumulative na monthly dues o membership fees o iba pang charges/assessment sa kabila ng demand ng association, maliban na lamang kung mayroong itinakda ang by-laws ng samahan na ibang panahon kung kailan itinuturing na delinquent ang miyembro nito. Gayunman, kinakailangan ng board o committee ng Homeowner’s Association na sundin ang proseso na itinakda sa Section 14 ng IRR bago maipadeklara ang miyembro na delinquent o not in good standing.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments