top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tourist guide sa bawat siyudad at lalawigan, gawing regular employee

Nancy Binay
Dec 1, 2019
2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Patuloy ang ating kampanya upang magkaroon ng permanenteng tourism officer sa mga local government units (LGUs) mula sa munisipyo, lungsod at lalawigan kung saan major industry ang turismo.

Nag-file tayo ng Senate Bill Number 1124 kung saan nais nating amyendahan ang Local Government Code upang maisama ang tourism officers sa mga permanenteng local officials sa mga nabanggit na LGUs.

Matatandaang, tulad na panukala rin ang ating inihain sa 17th Congress, ngunit, inabutan na ito ng pagsasara ng Kongreso na hindi naging batas.

Sa kasalukuyang panukala, ang pagkakaroon ng tourism officer ay magsisiguro ng sustainable tourism development sa mga lugar na ito at magtutulak pa ng mas maraming tourism-related investments.

Noong 2018, mahigit P2.2 trillion o 12.7 percent ng Gross Domestic Product ng Pilipinas ay galing sa turismo.

Isang malaking tulong sa pagpapalakas at pagpapatatag ng industriya ng turismo ang pagkakaroon ng permanenteng point person sa mga LGUs, lalo at patuloy ang ating pambansang pamahalaan sa promosyon ng ating bansa.

◘◘◘

NGAYONG pormal nang binuksan ang 30th Southeast Asian Games, ipakita natin ang ating pagsuporta sa ating mga atleta sa pamamagitan ng panonood at pag-cheer sa kanilang mga laro.

Isang malaking morale booster sa mga atleta ang makita tayong mga kababayan na nasa mga venues at sumisigaw ng suporta sa iba’t ibang venues sa ating bansa — sa Metro Manila, Laguna, Tagaytay, La Union, Clark at Subic.

Ipakita nating nasa atin ang ‘home court advantage’, mga kapwa Pinoy!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page