top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sakay ang mga delegado sa SEA Games.. 2 bus nagsalpukan

V. Reyes
Dec 1, 2019
1 min read

Photo: Foxsports.ph

Nagkabanggaan ang dalawang bus na sinasakyan ng mga dayuhang delegado at atleta na kasali sa 30th Southeast Asian Games habang bumabagtas sa North Luzon Expressway.

Alas-4:25 ng hapon nang mangyari ang insidente sa harap ng gasolinahan na malapit sa southbound exit ng Bocaue, Bulacan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Bulacan Provincial Police Office, sangkot sa insidente ang mga bus na lulan ang mga delegado ng Laos at Vietnam.

Parehong patungong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ang dalawang bus nang aksidente umanong mabangga ng bus na sinasakyan ng mga delegado ng Vietnam ang bus ng Laos. Bigla umanong huminto ang bus ng mga taga-Laos.

Bahagyang nasugatan ang ilan sa mga delegado ng Laos. Patuloy nang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page