Kelot, pisak sa mixer truck
- Jeff Tumbado
- Dec 1, 2019
- 1 min read

Isang lalaki ang napisak ang ulo matapos maipit sa cement mixer truck sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Datu Ali Acob, 19-anyos.
Batay sa imbestigasyon, tinatanggal umano ni Acob ang tumigas na semento sa loob mismo ng mixer nang hindi inaasahang paandarin ito ng kanyang kasamahan na si Nasser Orasan.
Dahil dito, nakain ng mixer si Acob at napuruhan ang ulo nito. Mabilis namang tumakas si Orasan ilang saglit makaraan ang pangyayari na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.





Comments