top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dagdag-presyo sa LPG

Gina Pleñago
Dec 1, 2019
1 min read

Ipinatupad ngayong araw ang dagdag-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng ilang kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng P0.25 dagdag-presyo sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke.

Nagtaas din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi. Inaasahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya.

Ang bagong pagtaas ng presyo ay kaugnay sa pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page