top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bago pa man ikasal, habang nasa Rome… Neil, inangkin na si Angel, ipinagsigawan pa

  • Nitz Miralles
  • Dec 1, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @niel_arce

Nag-comment ng “mine” si Neil Arce sa larawang kayakap ang fiancee niyang si Angel Locsin habang nasa bakasyon ang dalawa sa Rome. Puro “Ang sweet ninyo” ang comment ng mga netizens at may mga kinilig pa. Kaya, hindi pa man ikinakasal sina Neil at Angel, marami na ang nagko-congratulate sa kanila.

Anyway, kabilang ang dalawa sa mga bisita sa wedding nina Vhong Navarro at Tanya Bautista sa Kyoto, Japan at sa napanood naming video, enjoy sina Angel at Neil sa dance showdown ng married couple sa reception.

Ang tanong kina Neil at Angel, kailan naman ang kasal nilang dalawa? Marami na ang nag-aabang mula nang malamang engaged na sila. Gaya ng pagsasaya ng marami nang mag-propose si Neil, marami rin ang matutuwa ‘pag wedding date at wedding preparations na ang ia-announce nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page