4 sangkot sa droga, tiklo

Timbog ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Valenzuela City.
Sa ulat ni PCpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police Chief Col. Carlito Gaces, alas-12:30 ng hatinggabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU Team 4 sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. ang buy-bust operation sa 3-A Fernando St., Bgy. Marulas na nagresulta sa pagkakaaresto kina Sonny Navela, 49, at Romeo Maceda, 39.
Narekober kay Navela ang apat na sachets ng shabu na nasa P14,076 ang halaga habang nakuha naman kay Maceda ang buy-bust money at sachet ng shabu.
Nadamba rin sa operasyon si Wilfredo Montañez matapos makuhanan ng apat na sachets ng shabu.
Nauna rito, alas-10:00 ng gabi nang masunggaban din ng mga operatiba ng SDEU na sina PSSg. Rolando Magno, Jr. at PCpl. Isagani Manait si Michael Danao, Jr., 22, matapos magbenta ng isang sachet ng shabu kay PCpl. Christian Rey Corpuz na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money sa Bgy. Ugong.
Ani SDEU Investigator PSMS. Fortunato Candido, narekober sa suspek ang anim na sachets ng shabu na may street value na P6,800, cellphone, P300 bills at buy-bust money.





Comments