top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

2,000 pamilya nasunugan

  • Madel Moratillo
  • Dec 1, 2019
  • 1 min read

Aabot sa dalawang libong pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang siyam na oras na sunog sa residential area sa Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Senior Inspector Joscar Bongalon, nagsimula ang sunog alas-3:13 ng hapon na umabot sa Task Force Alpha bago naideklarang under control alas-9:58 ng gabi at idineklarang fireout alas-11:44 ng gabi.

Aabot sa halos pitong libong kabahayan ang nasunog kung saan 13 ang naiulat na nasugatan. Masikip umano ang mga daanan sa compound kaya nahirapan ang mga bumbero.

Pansamantalang nananatili sa covered court ang mga biktima ng sunog. Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Marie Biada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page