top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

“We Win As One” SEAG cauldron, sinindihan na

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Dec 1, 2019
  • 2 min read

Pormal nang binuksan kagabi sa pamamagitan ng magarbong programa ang 30th edition ng Southeast Asian Games o SEAG sa Philippine Arena ng Bulacan namay temang “We Win As One” na ang ibig sabihin ang magwagi tayo na nagkakaisa.

Pero hindi lang sa tema makikita ang kahalagahan ng mga numero sa kompetisyon. Mayroon ding mga itinuturing na “significant numbers” sa ginaganap na sporting spectacle sa bansa. Katulad ng kantang 12- Days of Christmas, ngayong buwan ng Disyembre, kinalap ng BULGAR ang kahalagahan ng mga numero simula 0 hanggang 12 at ito’y nakalista sa mga sumusunod na talata:

0 - Halaga ng dapat ibayad sa panonood ng mga sports events sa piling mga lugar base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bukod dito, dati, kapag ang isang event ay nilahukan lang ng tatlong atleta, hindi ipinagkakaloob ang bronze medal. Pero sa 2019 SEAG, wala nang uuwing luhaan dahil kahit tatlo lang ang lumahok ay ipagkakaloob na ng tanso sa 3rd placer. Sabi ng isang opisyal, hindi dapat magdusa ang atleta kung sa huling sandali ay umayaw ang ibang mga kalahok.

1. - Ito ang puwestong target ng Pilipinas pagdating sa paramihan ng gold medal ngayong SEAG. Ito rin ang unang SEAG kung saan lalaruin ang eSports.

2. - Dalawa ang itinuturing na compulsory sports o ‘yung hindi dapat mawala sa SEAG: athletics at aquatics. Puntirya rin ng Pilipinas na masikwat ang pangalawang Overall SEAG Title mula nang makuha noong 2005.

3. - Ang bilang ng kategorya ng mga larangan na itinatampok sa SEAG: Category 1 o ang mga Compulsory Sports; Category 2 o ang kabilang sa Olympic at Asian Games sports; Category 3 ay nasa listahan ng Regional at New Sports.

4. - Ang bilang ng venue clusters kung saan gaganapin ang mga paligsahan. Nariyan ang Clark Cluster, Subic, Metro Manila at Other Areas Cluster. Ito rin ang bilang kung saan tumayong punong-abala ang Pilipinas. Unang nag-host ang PHL noong 1981, 1995 at 2005.

5. - Ang numero na ito ay bahagi ng pangalan ng grupo (5 Currents) na namahala sa SEAG Opening Rites gayundin sa 2012 Summer Olympics at 2014 Winter Olympics.

6. - Ang posibleng bilang ng ginto na masisikwat ng mga bilyarista ng bansa dahil sa world class talent (kagaya nina Carlo Biado, Dennis Orcullo, Rubilen Amit Chezka Centeno) na kasama sa koponan ng 9-ball at 10-ball (singles at doubles sa men’s at women’s). 7. - Ito ang bilang ng titik na pinaghugutan ng pangalan ng 30th SEAG mascot na si “PAMI” (galing sa salitang “Pamilya”)

8. - Ang pangkat ng sports na idinaraos sa SEAG: athletics, aquatics; team sports; combat sports; individual sports na laging laman ng Olympic at Asian Games; team sports, combat sports at individual sports na bahagi ng Regional Sports at New Sports.

9. - Ang dami ng gold medals na posibleng maiuwi ng mga kinatawan ng bansa sa Athletics at Gymnastics. 10. - Ang bilang ng gintong medalya na puwedeng maiambag mula sa pangkat ng Dancesport. 11. Ang bilang ng mga bansa na lumalahok sa 30th SEAG. 12 - Ito ang bilang ng mga araw na idinaraos ang 30th SEAG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page