Ultimate dream ng ex mo, Luis… Angel, handang mawala ang lahat maikasal lang kay Neil Arce
- Erlinda Rapadas
- Nov 30, 2019
- 1 min read

Photo: @niel_arce
Kung nagawa ni Anne Curtis ang magpakasal (at ngayon ay 5 months preggy na) sa gitna ng kanyang peak as an artist at product endorser, ganu’n din si Angel Locsin na nakatakdang magpakasal sa boyfriend niyang businessman/movie producer na si Neil Arce.
Finally, natagpuan na ni Angel ang kanyang “the one”, ang kanyang Mr. Right. At handang i-risk ni Angel ang lahat para lang bigyan ng katuparan ang pangarap niyang maging bride at magkaroon na rin ng sariling pamilya.
Hindi siya nagkaroon ng second thought nang alukin na ng kasal ni Neil. Minsan lang dumating sa buhay ng isang babae ang big decision na kanyang gagawin sa personal niyang buhay.
Walang dapat ipag-alala si Angel na mababawasan o aatras na ang kanyang mga product endorsements once na nag-asawa na siya at nagkaanak. Bakit naman sina Marian Rivera at Judy Ann Santos, ganoon din si Anne, marami pa ring product endorsements ngayon? Kinakabog nga nila ang mga mas batang celebrities sa paramihan ng endorsements.
Ang kailangan kasi, may karisma sa tao ang endorser.





Comments