top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tama na ang nega, disiplina naman para bawi-bawi rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2019
  • 1 min read

Matapos ang kaliwa’t kanang hirit na gawing libre ang panonood sa mga laro sa 30th Southeast Asian Games, nagpasya na ang komiteng namamahala nito.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), ililibre na ang lahat ng games maliban sa basketball, volleyball at football.

Magbibigay din ng libu-libong ticket sa mga lokal na pamahalaan maliban pa sa 10,000 tickets na ibibigay din nang libre para naman sa closing ceremony.

Samantala, hindi naman na ire-refund ang nagastos ng mga nauna nang nakabili na ikonsidera na lamang umanong kontribusyon ang ibinayad nila sa ticket.

Magandang pagkakataon na makapanood at maipakita ng mga Pinoy ang suporta sa SEA Games bilang tayo ang host.

Pakiusap lang sa lahat, maging responsable sa panonood. Alamin at sundin ang mga patakaran, tulad ng mga bagay na hindi puwedeng bitbitin sa mga SEA Games venue. Para sa listahang ito, itsek na lang sa kanilang official Facebook page.

Ito pa ang isa sa mga pinakamahalagang paalala natin, utang na loob, huwag nating babuyin ang SEA Games, maging responsable sa pagtatapon ng basura. Huwag tayong masanay na tuwing may mga event ay gabundok na basura ang naiiwan.

Ipakita natin na tayo ay disiplinado at malinis. Huwag na nating dagdagan ang unang pangit na imaheng natatak sa Pilipinas dahil sa kontrobersiyal na pagkaing inihain sa mga dumating na atleta at maging ang kakulangan sa koordinasyon sa kanilang hotel na tutuluyan.

Puwedeng-puwede pa namang bumawi ang ‘Pinas kung tutuusin. Sa pamamagitan nito ay mapatutunayan din natin sa ibang lahi na hindi basurahan ang Pilipinas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page