top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga alahas, gadgets at pera tinangay.. Estudyante ni-rape ng akyat-bahay

Gina Pleñago
Nov 30, 2019
2 min read

Nilooban ng nag-iisang lalaki ang isang bahay at ginahasa pa ang 19-anyos sa Parañaque City, kahapon ng madaling-araw.

Dumulog sa pulisya ang biktimang si alyas Joy, 19, estudyante, matapos siyang pasukin at halayin sa loob ng kanyang silid ng armadong suspek.

Batay sa imbestigasyon ni Police Cpl. Mary Ellen Ramos, nakamotorsiklo ang suspek nang dumating sa lugar. Ilang sandali ang lumipas, sinira nito ang padlock ng gate at nagtungo sa garahe.

Gamit ang sanga ng puno ay kinalawit nito ang susi na nakabitin sa tabi ng main door ng naturang bahay.

Una nitong pinasok ang silid ng kapatid ni ‘Joy’ na si alyas Jerry, 21, sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, alas-2:30 ng madaling-araw at ginapos ang dalawang kamay nito gamit ang packaging tape bago binusalan ng damit ang bibig.

Nang maisagawa ng suspek ang paggapos kay ‘Jerry’, tumuloy ito sa silid ng dalaga at dito pinagsamantalahan ang biktima.

Kasunod na pinasok ng suspek ang master’s bedroom at tinangay ang mga alahas na may kabuuang halagang P1,980,000; P50,000 cash at P105,000 halaga ng camera.

Natangay din ng suspek ang tatlong laptop at dalawang cellphones ng magkapatid na may kabuuang halagang P295,000.

Nang matiyak naman ng dalaga na nakaalis na ang kawatan, pinuntahan niya ang silid ng kapatid, bago magkasabay nilang tinungo ang silid ng kasambahay na si alyas Jessa, 30, na nasa unang palapag ng bahay upang ipagbigay-alam sa mga barangay tanod at pulisya ang insidente.

Patuloy na binubusisi ng pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar na posibleng maging daan upang makilala ang suspek lalo na at natuklasan na kabisado nito ang kabuuan ng bahay.

Batay sa natanggap na report ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police, ipinarada ng suspek sa tabi ng kalye ang dalang motorsiklo bago sinira ang gate ng bahay ng mga biktima at pagpasok sa loob ay sinungkit sa pamamagitan ng sanga ng punongkahoy ang susi ng bahay na nakasabit lamang sa tabi ng pinto.

Sinabi pa ni Sarmiento na kanya nang inatasan ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa naganap na insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page