Kung walang matinong hepe.. PNP, ako nang hahawak — P-Digong

Nanaisin pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya na lamang ang mamuno sa Philippine National Police (PNP) kung may bahid naman ng korupsiyon ang kanyang maitatalagang susunod na hepe ng PNP.
“If they have even a single case of corruption, I would rather not appoint anybody for that matter. Ako na ang hahawak,” ani P-Duterte sa isang panayam sa Malacañang.
Sinabi ng pangulo na gagawin lang niya ang pag-appoint sa Pambansang Pulisya sa sandaling makita niya na ang pinakamagaling na tao sa PNP.
Numero unong criteria pa rin ni Duterte ang pagiging matapat at walang bahid ng korupsiyon sa sinumang kanyang itatalagang mamumuno sa national police.
“Isa pa itong mga pulis. Hintay kayo d’yan. There are so many things that the police has to improve on. Unless I think that I see the very best guy there, you show me. Show me, tell me. Kayong mga pulis tell me who’s the best to handle the command,” ayon sa pangulo.
“Bigyan mo lang ako tao — just give me an honest man. Period. And for all of the Cabinet members including the military men who are about to enter the civilian service. Ang tanong, lahat ng mga justices d’yan. What is your marching order? Well just be honest. That’s all,” dagdag pa ng pangulo.





Comments