Horoscope | Nobyembre 30, 2019 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Nov 30, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 30, 2019 (Sabado): Mabait ka sa kapwa mo kaya ang langit ay mabait din sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit ikaw ay pinagpapala at palaging nakatatanggap ng mga biyaya.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mong mabuti ang bawat hakbang na iyong gagawin. Huwag kang mabahala kung pansamantalang maaantala ang mga ito dahil ang mahalaga ay hindi ka magkakamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madarama mo ang pagmamahal sa mga munting bagay na ipakikita sa iyo ng malapit sa puso mo. Ito ang palatandaan na lalo pa kayong magkakamabutihan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-25-31-35-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na parang sobrang ingat mo. Hindi ka puwedeng magkamali kahit maliit na pagkakamali lang dahil ang mga kontrabida sa buhay mo ay magsasaya sa pagkakamali mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-15-25-28-35-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang kapalaran mo ngayon. Pagbutihin mo dahil walang ibang dapat sisihin kapag nabigo ka. Bihira lang dumating sa tao na siya ang magpapasaya sa buhay niya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-27-31-32-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Alagaan mo ang iyong sarili at huwag mong iasa sa iba ang sarili mo. May kani-kanyang prayoridad ang bawat isa. Ang umaasa sa kapwa ay nasasaktan lang at sumasama ang kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-28-35-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paghaharian ka ng emosyon. Kapag nahalata mong nangyayari na, sikapin mong maging kalmado. Ang bugso ng damdamin ay madalas maging sanhi ng paglala ng sitwasyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-27-30-32-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahina ka sa araw na ito. Mas magandang pakinggan mo ang iyong mga malalapit na kaibigan. Hindi ka nila ilalagay sa mali dahil masasaktan din sila kapag nasaktan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-17-21-22-25-26.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon, pero ito ay mangyayari lang kapag ikaw ay nakipagsapalaran na gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa noon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-20-24-36-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga, pero huwag mo rin silang husgahan. Hayaan mo lang sila at hintayin ang mga susunod na mangyayari na makikitang sila ang mali. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-26-36-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling bumalik ang kakayahan mong madama ang tunay na motibo ng tao. Hindi ka dadayain ng kutob mo na tulad ng nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-17-20-25-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ituloy ang mga plano mo na may kinalaman sa iyong pangarap kung mapapansin mong hindi pabor dito ang iyong karelasyon. Ito ang payo sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-13-14-23-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang anumang gusto mo at ang sinumang sumalungat sa kagustuhan mo ay makasasagupa ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-26-29-30-31-35.




Comments