top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Cycling PH 2020, sisimulan na sa Marso sa Clark

A. Servinio
Nov 30, 2019
2 min read

Ang pinakamalaki at inaabangan na fiesta ng Cycling sa Pilipinas ay magbabalik muli. Ang PRURide PH 2020 ngayong darating na Marso 11 hanggang 15 sa bago nitong tahanan sa Clark, Pampanga.

Tinatayang mahigit 2,500 na siklista mula mga propesyonal hanggang sa mga baguhan ang lalahok sa iba’t ibang mga karera.

Aabangan ang tatlong araw na PRURide UCI 2.2 Stage Race mula Marso 11 hanggang 13 kung saan defending champion si Marcelo Felipe ng 7-Eleven CLIQQ Air 21.

Ang ruta ay eksklusibong sa loob ng Clark at tampok dito ang bagong gawang kalsada patungo sa New Clark City kung saan ginanap ang 30th Southeast Asian Games.

“Ang 2020 ay taon ng Olympics kaya pinag-aralan namin ang kalendaryo ng UCI at nagpasya kami na ilipat sa mas maagang panahon ang PRURide,” paliwanag ni Race Director Coach Ian Alacar. “May mga karera na sasalihan ng ating mga national riders para makapasok sila sa Olympics kaya iniwasan natin ang mga petsa na iyon.”

Bilang karerang may basbas ng UCI, inaasahan na darating ang 18 pambansang koponan at cycling club mula sa ibayong dagat. Gaya ng mga Pinoy, kailangan din nila lumahok para makalikom ng puntos para sa Tokyo.

Magbabalik sina Gretchen Ho, Zoren Legaspi at Kuya Kim Atienza bilang race ambassadors. Sila ang mamumuno sa iba pang mga aktibidad lalo na ang Gran Fondo sa Marso 15 kung saan maaring pumili ang mga papadyak sa 30, 60 o 100 kilometro.

Babalik din ang Criterium Race sa Marso 14 sa Mimosa. Magiging mabilis at makapigil-hininga ang aksyon habang ikot ng ikot ang mga siklista sa loob ng dating base military ng Estados Unidos.

Nakatakda rin ang Strider Cup para sa mga bata at ang Virtual Race na iikot sa mga piling mall sa Makati, Alabang, Quezon City at Pampanga.

Isang bagong dagdag ngayong taon ay ang Fun Cycle para sa mga empleyado at ahente ng PRU Life Maaari nang magpalista sa www.pruride.ph.

May naghihintay na diskuwento at karagdagang regalo ang mga sasali bago mag-Disyembre 31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page