top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babala ng PAGASA.. Super typhoon sa SEA Games

V. Reyes
Nov 30, 2019
1 min read

Photo: PAGASA (left)

Hindi iniaalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na maging super typhoon ang bagyong inaasahang papasok sa bansa.

Ayon sa ahensiya, bagama’t, maliit ang tsansa ay hindi malayong lumakas pa ito bilang super typhoon na daraan sa Central Luzon kung saan ginaganap ang 30th Southeast Asian Games.

Alas-10:00 kahapon ng umaga nang huling ma-monitor ang bagyo sa layong 1,470 kilometro ng silangan ng Southern Luzon na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 140 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 170 kilometro kada oras.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, inaasahan nilang papasok sa teritoryo ng Pilipinas ang bagyo sa pagitan ng gabi ng Nobyembre 30 at umaga ng Disyembre 1. Kapag pumasok na ng PAR ay papangalanan itong Bagyong Tisoy.

Maaaring maitaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa silangang bahagi ng Bicol Region-Eastern Visayas.

Magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan simula sa Lunes sa Bicol Region at Samar provinces. Asahan din ang ganitong panahon sa Central Luzon, Bicol Region, Southern Luzon at Metro Manila simula sa Martes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page