top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tuwang-tuwa sa ginawa sa kanya ng misis… Robin, proud na ipinost ang piktyur ni Mariel na maraming g

  • Vinia Vivar
  • Nov 29, 2019
  • 2 min read

Photo: @robinhoodpadilla

Sa kanyang Instagram account ay ipinaabot ni Robin Padilla ang labis na pasa­salamat dahil nasa mabuting kalusugan ang kanyang mag-inang sina Mariel Rod­riguez at Gabriela matapos magsilang ang asawa kamaka­ilan sa US.

Nag-post si Binoe ng larawan ni Mariel habang makikitang basa ang blouse nito sa parteng dibdib which means, maraming breastmilk ang TV host.

“Sa ngalan ng nag-iisang Panginoong Maylikha, ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin, maraming-maraming salamat po, o aming nag-iisang Diyos sa Inyong pagpapala sa amin ni Mariel. Nasa mabuti pong kalusugan ang aming bunsong anak na si Maria Gabriela lalo’t umaapaw po ang pagdating ng gatas ni Mariel,” ang bungad ng caption ni Binoe.

“Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu akbar. Dasal po namin ay mabiyayaan din si Maria Isabela ng gatas mula kay Mariel in shaa Allah.......” patuloy pa ng action star.

Nagpasalamat din si Binoe sa asawa na kahit malayo ay nagawa pa nitong mag­prepara para sa kanyang 50th birthday.

“@marieltpadilla, Babe thank you sa pagpapasaya sa akin mula August 9 hang­gang ngayon, birthday ko pa rin dahil sa mga kinumpuni mo at inihanda ninyo para sa akin na kahit malayo ka ay ramdam na ramdam pa rin kita.

“Salamat sa lahat-lahat, alam ko pagod na pagod ka dahil nag-umpisa na ang pumping station kaya kulang na kulang ka sa tulog pero nagawa mo pa rin na maging memorable ang aking 50th birthday. Alhamdulillah,” ang mensahe ni Binoe sa asawa.

Sumagot naman ng “I love you” si Mariel sa comments section.

Si Sharon Cuneta ay nag-comment din at nagpa­hayag na excited na siyang ma-meet ang bunsong anak nina Mariel and Robin.

“Congratulations on our new princess, Maria Gabriela!!! Cannot wait to meet her and see Isabella too!!! God bless your family!!! Happy for you and Mama Mariel!!! (When are you coming home?!) Much love to you all,” komento ni Megastar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page