top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-paawa raw sa pananakit nina Carlo at Gerald… Hirit ng madlang pipol: Angelica at Bea, gamit na

  • Beth Gelena
  • Nov 29, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Aminado ang dalawang aktres na sina Angelica Pa­nga­­niban at Bea Alonzo na hindi pa nila napapatawad ang hu­ling lalaki na kanilang minahal.

Sino pa ba’ng tinutukoy nila kundi sina Gerald Anderson at Carlo Aquino, ‘di ba?

Ang nakakapagtaka lang, bakit negative ang pinag­sasasabi ng ilang nagkokomento sa dalawang aktres? Anila, hindi sila naniniwala sa sinasabi nina Bea at Angelica. Halatang promo lang daw dahil may pelikula silang Unbreakable. Gamit na gamit daw ang kanilang love life na angkop sa kanilang movie.

Ito ang komento ng mga netizens…

“That’s why I don’t like these two. Laging gamit na gamit ang love life/heartbreak kapag promo time, lalo na si Angge, sobrang paawa.”

“Actors na actors talaga! Lalo na ‘yang friendship nilang ‘yan!”

“Itong nagpo-promote sila ng movie, even when they’re “selling” their friendship, parang ang negative ng vibes nila. Wala lang. Ako lang ba ang nakaka-feel nu’n? Si Angge, oo, kaya in-unfollow ko na s’ya sa IG. But now, pati si Bea? Ewan ko sa 2 ‘to. Basta, parang ang nega lang ng aura nila.”

Sabi naman ng isa para kay Angelica, “‘Di ako bilib du’n sa sinasabi ni Angelica. Madalas, tungkol sa sarili n’ya na kesyo sobrang totoong tao raw s’ya at ‘di s’ya ma­runong magsinungaling. Lahat ng tao, marunong mag­sinungaling, kahit si Angelica. Marami na rin s’yang pag­sisinungaling na ginawa para sa career n’ya. Ipokrita ang mga taong nagsasabi na totoong tao sila, sa totoo lang.”

Ang iba naman ay naiintindihan ang feelings ng dalawang Kapamilya actresses. Ilan sa mga komento ng mga netizens ay…

“Tinanong sila, sumagot lang sila. Plus that’s the theme of their movie. So ‘pag ‘yung mga manloloko ang tinanong, ok lang? ‘Yung mga naloko, hindi na puwedeng sumagot kasi “paawa effect” lang?”

“Kung hindi pa forgiven ang mga nanakit sa kanila, what can you do? Pinagdaanan mo ba ang mga pinagdaanan nila? Si Bea, ilang months pa lang naki­pag-break sa ex, so understandable na hindi pa niya napapa­tawad ‘yun. Mahuli mo ba naman sa social media, masakit ‘yun.

“Si Angelica, nawalan ng kai­bigan kasi ginamit siya. Friends sila ni Carlo if hindi mo alam. Nasilaw si Carlo sa showbiz, pero at the expense of Ange­lica’s feelings... Masakit kay Angelica na nag­ti­wala siya sa friend niya kasi mag­kaibigan sila. May trust na kung promo lang ang lahat, especially after ng movie, sasabihin sa kanya ni Carlo na promo lang.”

Sa ganang amin, hopefully, makita na nina Bea at Angge ang mga totoong lala­ki na magma­mahal sa kanila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page