Sa loob ng bus.. Driver at konduktor huli sa aktong nagsa-shabu

Isang bus driver at kanyang konduktor ang naaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng kanilang bus sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong driver na si Victor Morbos, 39, ng Bgy. Potrero at konduktor na si Hermelito Oyan, 31, tubong Zamboanga Sibugay.
Sa imbestigasyon ni PMSg. Jun Belbes, alas-3:40 ng madaling-araw, nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP-2 na sina PCpl. Florence Mel Lopez at PCpl. Brent Lucas sa Bgy. Potrero nang mapansin nila ang Baclaran Metro Link Bus na may body number 1939 na tila walang tao habang nakaparada sa Guava Street.
Nang tignan ng mga pulis, naaktuhan nila sa loob ng bus ang mga suspek na abala sa pagsa-shabu at narekober sa mga ito ang drug paraphernalias, sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.89 grams na may street value na P6,052.





Comments