PWD na ginang, patay sa sunod

Photo: BDRRMO
Isang ginang na PWD ang namatay sa naganap na sunog sa Bgy. Molino 3, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang bikima na si Inigunda Nida Mojica, 59.
Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-12:30 ng hatinggabi nang maganap ang sunog.
Nasa kahimbingan ng tulog ang mga residente ng nasabing lugar nang isang malakas na pagsabog ang gumising sa mga ito na nagmula sa bahay ni Lauro Quiniquini, sa lakas ng pagsabog ay mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa 3rd alarm.
May isang oras bago pa tuluyang naapula ang sunog. Tatlong kabahayan ang natupok at aabot sa mahigit sa 2,000,000 piso ang naabo.
Nabatid na dahil sa kapansanan ng biktima kaya hindi ito nakalabas sa nasusunog na bahay.
Inaalam pa kung ano ang sumabog sa nasabing bahay.





Comments