top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga atleta, ginastusan ng bilyones sa training.. P-Digong, umaasa kahit 3rd place sa SEA Games

Mylene Alfonso
Nov 29, 2019
1 min read

Kung hindi kakayanin ang 1st at 2nd place, ayos na rin ang 3rd place kina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. ‘Bong’ Go sa medal standing ng Pilipinas sa Sea Games, na pormal na mag-uumpisa bukas.

Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Sports, dalangin nila ng Pangulo na makakuha ang Team Philippines ng maraming medalya sa idaraos na palaro.

Aniya, bilyong piso ang ginasta ng gobyerno para sa training ng mga atleta at pagkuha ng mga foreign coaches at ang iba ay ipinadala pa sa ibang bansa para magsanay upang matiyak lang na may laban ang ating mga atleta sa international competitions.

“Noong nakaraang SEA Games kasi ay nasa 6th place tayo. Sana ngayon ay umakyat tayo sa una, pangalawa hanggang 3rd place, lalo pa’t may home court advantages ang mga atleta natin ngayon,” ani Go.

Aniya, dapat na magpursige ang bawat atleta dahil bukod sa cash gift na ibibigay ng pamahalaan ay may ibibigay pang sariling cash incentives ni Pangulong Duterte sa mga makakakuha ng medalya.

Kamakailan, binigyan ni Pangulong Duterte ng P1 milyon si gymnastic Carlos Yulo at dalawa pang atletang Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya mula sa sinalihang world competition habang ang mga nakakuha ng silver at bronze ay inabutan ng P500,000.

Sinabi pa ng mambabatas na gagawaran ng Lapu-Lapu award ang sinumang atleta na makakakuha ng gintong medalya bilang pagkilala sa galing at husay nito sa isang larangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page