top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit ghinosting siya, Julia… Bea, game pa ring patawarin si Gerald

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 29, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Sumalang sa matinding tanungan sa Tonight with Boy Abunda sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Tinanong ni Tito Boy kung hindi pa rin daw ba nag-e-exist si Carlo Aquino sa mundo ni Angelica na mabilis sinagot ng aktres ng “Yes” at hindi rin daw niya na-appreciate ang ginawang pagsasalita ng aktor sa Tonight with Boy Abunda tungkol sa issue na pinaasa lamang siya nito.

Ani Angelica, “No, kasi hindi siya umamin. Sabi niya ‘di ba, ‘Siguro?’”

Parehong hindi kayang patawarin nina Angelica at Bea Alonzo ang huling taong nakapag-iwan ng matinding sakit sa kanilang puso.

Seryosong sabi ni Angelica, “Mahirap magpa­tawad, Tito Boy kung wala namang humihingi ng tawad. May mga humihingi ng tawad pero hindi nila alam kung ano ‘yung kasalanan nila. Kasi nani­niwala ako na once na naibigay mo na ‘yung forgiveness, mase-set free ko na rin ‘yung sarili ko.

“Ito, idinadasal ko naman na kahit hindi dumating ‘yun, hindi dumating sa taong ‘yun na magkaroon siya ng remorse, mag-reflect siya sa kung ano’ng nagawa niya… nagdarasal ako na mapatawad ko siya, not for him but for myself lang talaga.”

Samantala, sabi naman ni Bea, kahit daw hindi humingi ng sorry sa kanya ang huling tao na nanakit sa puso niya, na we all know namang si Gerald Anderson, aniya ay patatawarin pa rin niya pero hindi pa niya alam kung kailan dahil nasa healing process pa rin siya.

Samantala, noong Miyerkules, Nov. 27 ay nabanggit ni Angelica sa bloggers’ conference ng movie nila na Unbreakable na tila hindi sincere ang paghingi ng sorry sa kanya ni Carlo.

Aniya, “Gusto niyang ayusin kasi gusto niya makagawa pa raw kami ng pelikula. Pero hindi niya gustong i-revive ‘yung friendship namin.”

Minsan na kasing nagsama sina Angelica at Carlo sa pelikulang Exes Baggage na naging patok din sa takilya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page