top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

December 1-11, inihihirit.. Non-working holidays sa SEA Games

  • Jeff Tumbado
  • Nov 29, 2019
  • 1 min read

Iminungkahi ni House Committee on Games & Amusements member at ACT-CIS Partylist Rep. Joelyn Tulfo na magpatupad ng localized holidays sa mga lugar na pagdarausan ng mga laro para sa 30th Southeast Asian Games.

Hinimok ni Tulfo ang Ehekutibo na maglabas na ng kautusan para ideklarang non-working holidays ang mga piling lugar na itinakdang venue ng international sports competition tulad sa Biñan City, Laguna; Clark, Pampanga; Subic, Zambales; San Juan, La Union; Calatagan, Batangas; Santa Rosa City, Tagaytay at Imus sa Cavite at Los Baños, Laguna, gayundin sa ilang mga lungsod sa Metro Manila.

Dapat sana aniyang ipatupad ang non-working holidays simula sa December 1 hanggang 11.

Gayunman, sinabi ni Tulfo na kung sa tingin naman ng gobyerno ay napakahabang bakasyon ito, hinikayat na kahit tatlong araw ay magdeklara ng walang pasok.

Inirekomenda ng mambabatas ang Disyembre 2 na Lunes; Disyembre 6 na Biyernes na walang pasok para magkaroon ng dalawang long weekends at Disyembre 11 naman na araw ng closing ceremony ng SEA Games.

Bukod sa layuning makabawas sa mabigat na daloy ng trapiko at hindi maapektuhan ang publiko ng mga aktibidad ay pagkakataon din ito na makapanood ang mga Pilipino ng palaro at suportahan ang mga manlalaro.

Naniniwala ang mambabatas na paraan din ito para makabawi ang pamahalaan sa mga negatibong feedback ng publiko sa SEA Games.

Ang mga SEA Games venue ay nasa Clark, Pampanga, Subic, Zambales, Metro-Manila at iba pang lugar - Biñan City (women’s football), San Juan in La Union (surfing), Calatagan in Batangas (polo), Santa Rosa City (netball), Tagaytay (skateboarding, cycling) Imus (underwater hockey) sa Cavite, at Los Baños sa Laguna (floorball, indoor hockey).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page