Cotabato, muling nilindol
V. Reyes
Nov 29, 2019
1 min read

Nakapagtala ng mahinang pagyanig sa Makilala, Cotabato.
Ang Magnitude 2.9 na lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 12 kilometers southwest ng Makilala.
Naganap ang lindol alas 2:43 kahapon ng hapon, gayunman, kahit 2.9 lang ang magnitude, nakapagtala pa rin ng Intensity II sa Kidapawan City at Intensity I sa Malungon, Sarangani.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.





Comments