76 NPA na sumuko, may matatanggap na cash
- V. Reyes
- Nov 29, 2019
- 1 min read

Aabot sa 76 na mga miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa rehiyon ng Soccsksargen at Davao.
Ayon kay Lt. Col. Victorino Seño, deputy chief ng 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army, isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas.
Ang mahirap na buhay sa kabundukan ang sinasabing dahilan ng pagsuko ng mga rebelde.
Inaasahan namang makikinabang sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program ng administrasyon ang mga sumukong rebelde.
Sa ilalim ng programa, bawat susukong rebelde ay makatatanggap ng livelihood assistance na P50,000, cash grant na P15,000 at P50,000 na cash din para sa isinukong high-powered firearms.





Comments